05092019

Akala ko di na maririnig,

Ang mga salitang “Gusto kita”.

Akala ko hanggang pangarap nalang,

Na tayo’y magkikita.

Bawat sandali ipararamdam ko,

Lahat ng uri ng pagibig na di mo inakala.

Susulitin mga oras na iyong pinagkatiwala,

Pagdudugtungin pagkakataong tayo’y magkasama. 

Aalagaan, tutulungan, dadamayan kita,

Sasamahan kahit saan man magpunta.

Hanggang makuha hinanap mong saya,

At mapagtanto na tayo lang sapat na. 

Pwede bang ako nalang hanapin ng iyong mga mata,

Ipadama ang pagibig na totoo at walang duda. 

Hanggang sa ang “Gusto kita” maging “Mahal kita at wala nang iba”,

Kapalit ay panghabambuhay na kaligayan at pag sasama.

Leave a comment